>Infinity
Tantsahan
Noong apat na taong gulang ako, akala ko eksakto ang lahat… Isang bagay pa, ayaw na ayaw ko magtimpla ng kape dati, gusto ko, lola ko ang magtitimpla ng bawat kapeng iinumin ko (masyadong mapait ang kape ng mama ko) kasi, baka kulang ang mailagay kong asukal. Di rin ako sigurado kung ilang part ng kutsarita ang kapeng ilalagay ko. Baka ‘di masarap. ’Pag ganon na ang set-up, out na ang kape. Walang magkakape! Hindi na lang ako magkakape.
Hindi ako apat na taong gulang buong buhay ko. Natuto rin akong makapagtimpla ng kapeng iinumin ko. Pero natatakot pa rin akong hindi maging eksakto ang lasa ng kapeng titimplahin ko. Pero may diskarte akong ginagawa. Ganito yon, ilalagay ko muna yung mainit na tubig sa tasa tapos, unti-unti kong ilalagay yung kape, tapos asukal,’tas yung gatas (di kami ng ccream sa bahay). Ayos, gling no? Pero, di rin naman eksakto.
Lumaki ako hanggang sa naging bente years old na ako (19 lng pala…:). Sa paglaki kong iyon, unti-unti ring natanim sa isip ko na madalas sa madalang, mas marami ang di eksakto. Oo, eksakto ang bilog, pero ano naman ngayon? Porket ba eksakto ang bilog e eksakto ring ipapasa ko ang lahat ng subject ko ngayong sem? Di naman a! Porket ba eksakto ang lahat ng sides ng square e madidiscover ko na na “happiness is not elusive?� –that in the end, unlike truth I may find it? Wala ni katiting na kinalaman sa totoo lang. Pero tignan mo, kahit hindi siya perpekto… si [bleep]..e basta.. bahala ka na.baka mawala ako. ayun.
Hindi lahat ay eksakto at kailangan maging eksakto. Sabi nga ng lahat ng puchang Math subjects ko, “may infinity�. Yung nasa number line, kaya nga may arrow sa dulo ng number line eh, kase hindi yun nag-eend. Walang hangganan yun. Kaya nyang I-accommodate ang lahat ng quantity. Konsepto ng infinity. Ayun, infinity ulet.
Sa huli, ganito lang iyan. Mabubuhay tayong lahat kahit sa gitna ng puro uncertainties. Saka lahat tayo ay may space, bawat quantity. Kasya tayong lahat. Laging may space pa. Kasi, tulad ng number line, maging ang space man ay infinite din. Infinity…
…
Kani-kanina lang, sa breakfast ko, nagtimpla ‘ko
ng kape. Naglagay ako ng maraming Nescafe. Konting asukal. Maraming cream (hindi
na gatas:)) saka ko nilagyan ng kumukulong tubig.
Hmmm… ang bango. Sarap
(ibang klaseng tapang ng kape)!
Tantsahan lang.
1 Comments:
At 9:18 PM,
Anonymous said…
Really nice blog. Keep it up.
DO NOT FAIL, give someone you love a keychain alcohol tester GIFT today. Who knows when it would come in handy. This keychain alcohol tester website is offering a DISCOUNT on keychain alcohol tester, selling at bulk price. IMAGINE giving someone you love the opportunity to LIVE because you gave them keychain alcohol tester. It is only $19.95!
Drunk Driving Kills! May your loved ones remember you forever!
Post a Comment
<< Home