sanity of insanity

"Insanity: a perfect rational adjustment to an insane world"

20050805

>bulate warrior


...
Malinaw ko pang naaalala ang mga panahong ang problema ko lang sa math e ang pinagkaiba ng ispeling ng forty sa four. Merong kesyo fourty, fourthy, ….at kung anu-ano pang arrangements.
Grade “four ata ako noon.. sa maliwanag na classroom ni sir Calura na nasa tabi ng Science Garden kung san may maliit na fishpond at may buntot ng sirena na ginagawang issuing totoo at buhay ito. Wala namang nag-abalang teacher para iconfirm kung totoo o talagang peke lang ang isyung buhay nga ang buntot ng sirena. Maliban sa sirena, mga ganung katulad na mga bagay bagay lamang ang problema ko.

Ngayon ay nasa kolehiyo na ako. At ngayon ko na rin napagtanto kung gaano kalaki ang pinagkaiba ng dati kong problema noong nasa elementarya pa lamang ako sa problemang kinakasagupa ko ngayon. Oo, kinakasagupa dahil pakiramdamdam ko, isa akong bulating warrior na nakikipaglaban sa isang malaking malaking sawang may mga alias na tulad ng Math14, chem. 16, at physics 21.1. Malalaking numerical figures na ang mga binibilang ko ngayon at gamit ang komplikadong mga pamamaraan. Mahirap lumusot. Mahirap talaga. Malaking laban ang kinakaharap mo sa bawat araw.

Kung dati ay pwede pang ikonsider na simple lang ang problema ko, ngayon ay hindi na! Dahil una sa lahat, hindi na simple kapag ang kalahati ng lahat ng mga subjects na tinetake mo ay delikado!!! At lalung lalong hinding hindi simple kapag konti na lang ay sisipain ka na sa unibersidad na pinapasukan mo na kung tawagin ay Unibersidad ng Pilipinas. Ibang pakiramdam, daig mo pa ang humithit ng marijuana on a non-stop-24-hr-pot-session sa bubong ng kapitbahay nyo. Hindi sa nakatikim na ako ng marijuana. Hindi rin sa umakyat na ‘ko sa bubong ng kapitbahay namin at naki pare heaven pare heaven nako sa kanila. Pero alam ko kung ano ang pakiramdam ng bangag. Napagdaanan ko na kasi yon. Sanay na. Tapos na ko do’n kumbaga, dahil ngayon, super bangag na ako. Malapit na akong MADALA SA Bataan, dun sa MENTAL doon dahil konti na lang, kaKAUsapin ko na yung sarili ko ng mag-isa.

Isang pakikibaka, oo. Kung iinglisen, “struggle�. Hindi lang pala yan ang problema ko. Problema ko din sa ngayon ang lovelife ko. Mahal ko siya pero.. ay teka, ibang kwento pala yan. Para sa ibang topic. Back to pakikibaka. Pakikibaka at ang consequences ng mga bagay-bagay ay walang kasiguraduhan. Puro uncertainties.

Isa pa, sa sa lugar na ‘to, hindi uubra ang stock knowledge lang, in the same way na hindi rin uubra ang sipag sipag lang.Third year nako, pero di parin lubusang gising sa katotohanang tapos na ang high school ko sa lab school na buhay. Oo, mahirap nga magsurvive sa lab school. Tagaktak ng pawis at patak ng dugo ang kelangan. Pero, iba ang UP, ibang lebel. Pinapamukha sakin ng pagtuntong ko dito na end of the line na ng mahirap kong high school life dahil welcome sa mas mahirap life na ang ngayon kong buhay… yan, oo, ganyan nga.

Ngayon, tapos na ang mga araw ng one mistake lang ang quarter exam ko kahit sa school bus lang ako mag aral in the morning before the exam. End of days na rin ng mga moments na pinapasa ko ang test kahit sa break lang before the test ako magreview. Di na rin uubra kahit one night before the test, dahil dapat yata, start pa lang, gamay na ng utak mo mga dinadakdak ng prof. Kaya lang, ang hirap ngayon, magfifinals na, di ko pa rin gets ang lahat! Di na rin siguro babalik mga papasa ako kahit di ako nag-aral na scenario sa buhay ko. Wala ng happy go lucky, yung malling pagkatapos ng first day of exams kahit kinabukasan non e mahabang exam pa ulit; wala ng sizzling d nyt b4 quarter exams, yung bababa ng school bus ng magdaan kami sa KB kasi naamoy namin ung masarap na hamburger na piniprito nila sa labas no’n; wala ng Kelly during calculus and trigo times, yung sa halagang limampiso, may arroz caldo o kaya palabok ka na na pwedeng pwede mo punuin ng unlimited patis, paminta, ska kalamansi, saka mo pa dagdagan ng tatlong pisong melon pantulak, pati homeroom breakfast from Dee’s basket of foods na naglalaman ng mais(sweet) at pancit Malabon na pag-aagawan ng mga katable mo pg ikaw ang bumili, na sisikat kang talaga dahil madami ang manghihingi ay memories na lang ngayon; haaay at wala na rin sila.

Ngayon, kahit san ako lumingon, matuwid ang mga tao. Naiintindihan nila ang mga hindi ko naiintindihan sa chem. 16 at physics 21.1. Alam nila ang di ko madiskartehan sa humanities. Namememorize nila ang bawat parts ng buto ng palaka kahit kasabay pa non e tatlo pang exam sa tatlong bigantin ding subjects. At eto pa, nakakatulog sila ng mahimbing sa gabi kahit malayo sa bahay. Hindi nila alintana ang takot ng mga multo sa kanilang nga guni-guni, realidad man o hindi.

...


0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Free Web Counter
Free Web Counter