Naisipan kong magsulat ngayon dito dahil sandamakmak ang trabahong gagawin ko. (naghahanap na naman ako ng escape, napaka irrational ko talaga, hindi ako marunong humarap) at kasabay no’n eh sangkaterbang pressure, forced pagpupuyat dahil kung hindi, masasayang ang 200 per unit ko sa subject na tinetake ko at magbabayad na naman ulit ng tuition kapag ni re-enroll ko yung subject (na kelangan talaga I re-enroll)! Sayang ang mga cash na pinaghirapan. At siyempre, yung time dahil imbes na sa isang one hot summer day(redundant), nasa swimming pool, beach, o kaya masaya at may smile pang kasamang nakahiga ako sa isang malambot na sofa sa bahay while watchin’ Judy Abbott o kaya humahalakhak ng malakas sa kuwentuhan nmin ng mga tao sa ‘min……….
Nasa isang classroom ako habang hinihigop ang lahat ng enerhiyang kaya pang ilabas ng katawan ko ng terror kong prop! At syempre, hindi pa kasama diyan yung kahihiyan kong aabutin sa lahat ng may kakilala sa ‘king may ultramegalacticjudgementalityexperty. Sila yung mga may usual questions tulad ng: “‘bat mo binagsak? Madali lang ‘yon diba?� O tulad nitong isang ‘to: “boplak naman ‘tong mokong na to sheeeeet, bat yung iba pumasa ikaw hindi????? Hahaha!!! e anong ginawa mo ng buong semester???? Hahaha!� shit, sira ulol sila, abnormal ba! Makitid pa ang utak sa taong puro singko ang classcards!!! Parang wala ng natirang matino sa kanila.
Pero wag ka rin. On the other hand, meron ka rin namang mga pampalubag loob na mga maririnig. Yung iba, para lang may masabi. Yung iba naman unpretentiously sincere talaga. Pero, sobrang thankful talaga ‘ko sa mga sincerity ng pampalubag loob na natatanggap ko pag naiiipit na ako sa ganitong kalagayan. Eto yung kariringgan mo ng actually-gusto-mo-talaga-marinig-quotes na magpapagaan nga (tried and tested) ng pakiramdam mo. Eto ang mga usual at unusual nilang sinasabi mapa �tame� lang ang bumubulusok na galit at sakit na inilalabas ng ‘yong puso.
"Sira ulo pala prop mo e, tara.. Halina’t atin ng isalvage!�
“Normal lang sa estudyante ang bumabagsak, di kumpleto buhay kolehiyo mo without
experiencing the 4s and 5s of life!�
Sabay isang wide smile na ika eencourage mo naman.Di rin naman out ang mga nagsasabing “eeneee meeeeeeeeneeeee mmineeee moooo kase talaga naging prop mo eh, malas mo
lang isa ka sa nilapagan ng mahiwaga nilang bolpen.�
Meron ding “di nya kase tipo ang mga exotic na surname, tipong Baret ba, kase yung kanya e
yung may madalas na mga kapangalan sa kulungan…
At meron pa, ‘tong ‘sang ‘to unusual.
“Me sayad lang talaga yung taong yun…�
Sintomas ng katopakan ang paulit-ulit sinasabi mga utterances na applicable din naman sa isang prop habang nagsusulat ng grade sa classcards… tipong kapag nagsulat ng uno, uno uno uno uno uno pati mga kasunod. Masuwerte kang maituturing kapag ang classcard mo ang nalagyan ng uno. Biyaya itong matatawag, tunay!
Pero…. Once na nagbigay siya ng lucky 5, singko singko singko singko singko at singko pa, at singko pa ulit at singko singko hanggang sa maduling siya sa kakasingko at, . . . . . . kapag tumapat ang classcard mo sa biyayayang handog ng puso niya, isa lang ang ibig sabihin nyon, MASASAYANG ANG DUGO’T PAWIS NA GINUGOL MO SA SUBJECT MO NG BUONG SEMESTER! SAMA MO PA PATI LAHAT NG MGA SAKU-SAKUNG BIGAS NA NILAMON MO AT LAHAT NG VITAMINS NA ININOM MO makasurvive lang sa lupit ng kaluluwa niya. In short, retake ang dramachine mo o di naman kaya, pag medyo mojofly ka lang (minamalas) at out of good fate, nakwatro ka, panibagong malalim na eyebags naman ang aabutin mo sa ilang gabi ring pagpupuyat na naman dahil kailangan mo ulit ikabisa lahat ng lessons nyo ng buong sem, para may maisagot ka sa removal exam na itatake mo! Na di mo naman alam kung ichechek nga ba talaga ng prop mong masipag! Haaaayy! Nakakapanggigil!!!!
Ibang case din naman ng kahihiyan nag aabutin mo sa pamilya mo kapag umabot ka sa singkong kalagayan… eto ang totoong kahihiyan; dahil dito, konsensiya mo na ang tatalo sa iyo. Parang yung sa SAFEGUARD commercial! (ngapala, tagal ko na ring di nakakanood ng safeguard commercial, saka ng TV rin!)
Ayaw ko ng ituloy’to dahil ayaw kong magstart ng panibagong melodrama na naman. . . ciao!
Smile Marian Smile!