sanity of insanity

"Insanity: a perfect rational adjustment to an insane world"

20060701

rainy days at ipis

There is only one distinct thing that I love about June, the rain. I love the rain! After a long wait in the middle of summer days, heavy rain drops start to fall in June.

Sa kabila ng mga nasabi ko kanina, madami naman akong ayaw kapag dating na ng tag-ulan. . . I have one thousand reasons why I hate rainy days. Alam mo kung bakit? Panahon nakasi ng mga bago naming alaga sa bahay. Season na nila to shine! At alam mo ba kung ano mga bgo naming mga alaga??!?! IPIS!!!!!! Siyyeeeett!!!! That counts 1000x. haaay… sumasakit ang dibdib ko sa kakaisip kung pano papatayin mga nagkalat na isip sa paligid!!! Hay hay!!!! Ano ba ang tawag sa ipis phobia? Ah basta, kung ano man un, meron ako ng phobiang ganun. Hindi ko alam kung bakit ako takot sa ipis. Buti na lang ngayon, nagiimprove na ang pagkatao ko pag nakikipag eye to eye contact sa akin ang mga alaga namin..hindi na ko sumisigaw. Hindi talaga ako takot sa insekto at kung anu, ano pang gross na nilalalang, ipis lang talaga promise…kahit palaka keri kong hawakan at mga patay na pusa at mga hmmm… ano pa nga ba? Back to ipis ulit, ayun, nakakatakot talaga sila. Kung sinusuri ko ng masinsinan ang structure nila, kinikilabutan ako. (nakatayo ang mga balahibo ko habang sinusulat ito) At lalo akong nawawalan ng sense of self bilang si marian kapag naiimagine ko na paano kaya kung nagging mas malalaking creatures sila? Ummm…mga sinlaki ng aso’t mga pusa, ganun…. Hahaaaay!!!! Madami siguro ang hihimatayin araw-araw at magkukulang ang mga crowded ng ospital sa Pilipinas… tapos with flying abilities pa sila!!! WHAPPAK! Wala na silang mahihiling pa! Completely armed na sila sa pagteterorize sa earth.. ewan ko ba, bakit ang mga daga, at mga langgam hindi ko pinagiisipan ng ganito.. hindi ako takot sa langgam pero may kilala akong takot sa mga to, kakagaling nga lang niya sa military school. Walang halong joke.

Haaay… mahal ang insecticide, bahala na nga,! Sa ngayon, naiisip ko lang si Bob Ong at ang mg adventures niya sa mga hinayupak na ipis.


O eto, serious mode naman… try ko..haha!!
Ayun,..


Kung tutuusin, kapag bored tayo at walang magawa, kesa mag-drugs, pwede nating ianalyze ang tag-ulan sa dalawang basic na aspeto. Ang 2 meaning nito, ligaya at lumbay. Tentenent…tentenenent… woohoo!!!

First step ng analyzation. May mga bulaklak bang bumubuka pagsapit ng tag-ulan? Siguro wala, o malamang madalang noh? Pero kung bulaklak ang tingin mo sa mga ulap, tag-ulan ang panahon nila ng pagbuka. Ang saya noh? Kung titingin ka sa langit habang umuulan, maiisip mong parang punumpuno ka ng mga bulaklak sa paligid..tapos yung mga petals nila, nagliliparan sa harap mo sa form ng raindrops, humahalimuyak sa bango!! Hmmm…

Pero on the pessimist view, para silang mga luha ng isang masakit na taghoy na patuloy sa pagbuhos pagkat patuloy ang masakit na pakiramdam at mg ala-ala.. para silang kinimkim at inipong sakit ng loob na dahil masyado ng mabigat, kailangan ng bumuhos at maghanap ng sasalong mga palad.


Teka, ano pa nga bang analyzation ang pwedeng gawin sa rainy days?

Madami! May naiisip ka na ba? O may oras ka nga ba para mag-isip.
Kung tutuusin, non sense, pero alam ko naman iyon.


##
isinulat ko ito para icelebrate ang “huling masayang weekend” ko. Naalala ko lang si prof rosanne sa pagsasabing: “enjoy your weekend, this might be the last…(weekend that you’re happy).” naapreciate ko ngang tunay at bilang isang mabuting iskolar, snusunod ko namn siya. :D simula na ng hell days pagkatapos nito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Free Web Counter
Free Web Counter