sanity of insanity

"Insanity: a perfect rational adjustment to an insane world"

20060701

Si Superman at ang 90 Php mong pansine



Nanood ka na ba ng superman? O kung hindi pa, alam kong manonood ka sooner or later kasi, baka nappresseure ka ng society dahil sa superman fever, o kaya favorite super hero mo si Superman ever since. Pero patok siya noh? Bakit kaya? Bakit ba patok si Superman, sa yo, sa kanya, at sa lahat?!?

Nagsimula ang kuwento ko ni Superman kanina. Galing ako ng Sunset Estate pauwi to my home after my work. Madilim at may mangilan-ngilang pagpatak ng ulan. Naglakad ako patungo sa sakayan ng jeep pa-Nepo. Nakarating naman naman ako ng safe kahit madaming talahib sa linakaran ko. Sumakay ako sa almost empty na jeep. Tatlo lang kaming babaeng pasahero at ako lang ang babae sa likod at dalawa pang unidentified. Maya-maya, sumampa ang apat na mamang maton. Malalaki at gadambuhala kasi ang mga katawan nila na talagang katatakutan mo nga mangyari man sa yo yun… ayun, naghanda na lang ako sa maaaring mangyari. Seryoso akong nag-aabang sa baril na tututok o sa cutter na kung pano nila gagamitin e diskarte na nila… at iyon nga, sa gitna ng takot ko, nag-usap ang mga maton. . .

Maton 1: blah blah blah…*superman*
Maton 2: kahit mahangin nasa ayos pa rin
Maton 1: gel ang gamit ni superman pare
Maton 3: (biglang sabat) hindi pare, pomada yun pare, pansin mo, pomada!!
Maton 2: hindi pare, gel yun.
Maton 4: (na hindi na yata nakatiis sa usapan) mga wala pala kayo e, spray net yun!!! Kaya nga matigas, tignan nyo kasi!!!!

. . . .At parang may narinig pa akong “grrrr” pagkatapos.

Back to the question: Bakit ba patok si Superman, sa yo, sa kanya, at sa lahat?!?
Well. . .
Malamang, it must be the fact na lahat tayo ay character sa Superman. May bida, may kontrabida, at meron din naming yung mga normal na character lang. Yun bang, mga pangkaraniwang tao lang sa totoong buhay. Pero, anu’t ano pa man, patok si Superman sayo, sakin, at sa kanila kase, lahat tayo, ano man ang role natin, mapaprotagonist, antagonist, supporting, o mapa extra man yan, nasa picture tayo ng Superman! Pare-pareho tayong character in a sense na katulad ng lahat, pare-pareho tayong naghahanap ng picture ng isang hero sa buhay buhay natin. Na kahit ano pa role natin sa kinabibilangan nating movie, we long for this certain hero picturesque na siguro, pupuno sa mga weaknesses natin at hahango sa atin out of our desperations (wee!).

. . . iyon nga si Superman. At kaya mahal ng lahat ang Superman. At mayaman na ang producer ng superman.


##
at counterpart naman ng mga superhero movies ang mga fairy tales. Sina Cinderella at Snow White, pihado kilala mo…ano naman kaya ang isuue sa mga Cinderella-stories?!? Huwell…gusto mo sila kase… sa mga kuwentong katulad ng kina Cinderella at Snow White , doon lang parang may excuse para mangyari o di mangyari ang mga things things.lagging may excuse. Higit pa riyan, dahil sa mga kuwentong tulad nito, walang imposible, lahat pwedeng mangyari. Ang imposible ay pwedeng maging possible. Sa mga simpleng kwentong tulad ng sa kanila nagiging masaya ang mga deserve maging masaya. At hindi mahirap magpatawad. Parang hindi deeply inflicted ang mga pain sa mga tao kahit mukhang katangahang painfulness na nainflict sa kanila. Higit sa lahat, iisa lang ang patutunguhan ng ending: “and they lived happily ever after. . . ” Happy ending.

1 Comments:

  • At 7:04 PM, Anonymous Anonymous said…

    naku, kuhang kuha mo ang lalamanin ng thesis namin nitz.. ganyan din ang gusto namin mapatunayan! ngunit, filipino superheroes naman ang aming gagamiting data. spoiler: ang kapa ni pepeng tisoy: isang pagsasaliksik tungkol sa konsepto ng kabayanihan at masang pilipino.. o ha o ha.. hehe..

    tama ka,tulad ng mga victims ng mediated reality,ako rin ay nanood ng superman. haha. ngunit hindi ako gaano natuwa sa pelikula. nadisturb ako sa buhok na nakalawit sa noo niya. anu mu yun? anong relevance? hehe.

    ...lahat tayo ay naghahanap ng superman sa ating buhay. romantisismo ng isang bayaning likhang isip lamang. naks, ang deep. ano daw?hehe...

    nung napanood ko ang kingkong, napatanong ako: "kelan ko kaya mahahanap ang kingkong ng buhay ko?" tapos, ngaung superman era na, napaisip ako. pero sabi ko "naku, kingkong pa rin ako.." haha. deviant.

    mahusay ang iyong saloobin sa konsepto ng kabayanihan. at dahil jan, dapat mo akong tulungan sa akin thesis. hehe.

    paramdam ka naman minsan. habang buhay pa ako. haha.

     

Post a Comment

<< Home

 
Free Web Counter
Free Web Counter