>whiskas
...
Hunyo. Malakas ang ihip ng hanging habagat na nagmumula sa bukas na mga bintana sa loob ng madilim na silid na iyon. Sumasayaw ang
manipis at puting kurtina sa tugtog ng hangin. Maya-maya’y unti-unting umiyak na ang langit; hanggang sa di na nito napigilan ang tuluyang pagbuhos na siyang nagdulot naman ng lalo pang lamig sa malalamyang apat na sulok ng silid na iyon.
Hudyat ng pagtatapos ng tag-araw.

Hudyat ng pagtatapos ng tag-araw.
Masakit isipin ang mga nakaraan, lalo pa’t tanto mo ang katotohanang pagsapit ng bukas, o kahit ng kailan pa man ay hindi na babalik pang muli ang halakhakan ng mga ala-alang dito’y nanahang minsan. Sapagkat sila’y mga nangaghilom na masasaynag sugat na lamang ng kahapon at sa kaslukuya’y mga guni-guni na lamang ng lumipas. Mga makukulay na mga panaginip ng mga nagdaang gabi sa ilalim ng matingkad na kadilawan ng buwang sumasayaw sa tugtugin ng katahimikan.
Sapagkat kahit na patuloy ang pagsikat ng araw, hindi palagiang sa iisang eksaktong oras ito kailangang lumitaw at ngumiti sa mundo. Ngunit sa kabila nito’y umiikot pa rin ang daigdig ng walang humpay at patuloy. Nangangahulugan lamang na kahit na walang permanente sa tinatapakan mong lupa at sa espasyong iyong ginagalawan, hindi pa rin kailan ma’y titigil ang bawat nagaganap na mga pagkilos – nanatiling buhay ang mga buhay, at patuloy ang pagdating ng tag-ulan pagkatapos ng tag-araw.
At mananatiling buhay ang mga buhay ano mang uri ng pagbabago ang kaharapin nito. At tuluyang mababaon sa limot ang di na pinagtutuunang-pansin pang mga ala-ala.
Masakit isiping hindi na maibabalik ng kasalukuyan ang nakaraan. At ang nakaraan ay mananatiling taghoy na lamang ng nakaraan. Sa panahong lumipas na di na muling masisilayan pa sapagkat doo’y naghahari ang gabing ipinagkakait ang ningning ng mga butuin at buwang nagdudulot ng lutang na mga kalooban.
Parang minsang pagdapo ng isang munting paru-paro sa bumubukadkad kong mga palad na kailanma’y di na muling mauulit pa sapagkat naglaho na ang bawat paru-paro.
Masakit.
Malupit din.
At malungkot.
Ngunit hindi kung ang nakaraa’y isang pagpapanggap at ang ngayo’y pagsisisi .
...
4 Comments:
At 3:56 PM,
Anonymous said…
marianne baret..
napakalalim ng blog mong ito...
hindi kinaya ng mababaw kong kaisipan..
ano nga ba ang gusto mong sabihin?
masakit.. malupit.. at malungkot na magbebente anyos na ko pero hindi ko parin mapagtanto kung ano nasa isip mo habang ginagawa mo ito..
iniisip mo ba siya nun?
o kakatapos nio lang?hahaha...=)
At 6:44 PM,
marian the martian said…
hehehe...kakatapos lang mag ano? diko discern..hehe.. matanda ka na ngang talaga...advance happy bday nlang sau... un na lang ang masasabi ko..ikaw na bahala magisip..=) sana nekstaym ay ilagay mo ng ikaw si czarina orecio.hahahaha!!!
At 10:17 PM,
Anonymous said…
anyone can help me?alam nyo ba ung site ng wish ko lng.kase i met one kid sa divisoria may bukol sa likod.a two year old kid.i dont have anything to offer kahit man lang dito.wla kaseng pampaopera yung family nya.kargador lang ung tatay at yung nanay naman eh sa bahay lang..hope you could help me..thanks...
At 2:52 PM,
marian the martian said…
kita mo nb site ng wish ko lang? try mo manood, pinapakita naman yata during the show... teka, pano pala pumunta ng divisoria mula sm west?
Post a Comment
<< Home