sanity of insanity

"Insanity: a perfect rational adjustment to an insane world"

20050812

>most punctual award

...
Kakatapos lang ng super energy sucking kong Thursday. Dumating akong pawisan. Dahil na rin siguro sa parang patay gutom kong paglaklak ng water.
Mabilis akong naglalakad kanina. Kulang pa nga ‘yon eh. Kasi kung maglakad ako talaga, para ‘kong marathoner aiming for championship trophie. Nasanay na ‘ko sa ganong stayl ng paglalakad. Kase, sanay din ako sa saktong time lang ang pataan (vocabulary lessons wd my room8) kaya kelangan ko lagi magmadali. Elementary palang, lagi na akong nasasabihan ng “bilisan mo!�. Grade four yata ‘yon. Nung lumipat na kmi sa Karapz (nickname ng Street namin).
Pero wag ka! Before that, lagi akong sobrang aga dumating sa school. Mga grades 1-2-3 yon. Kahit pa 12 na ako makauwi after our morning period, makikita mo pa rin ako ng eksaktong 12:15 sa may stage sa school naglalaro ng part-one, kaya football sa may gilid, I love you telebers, nabibilib sa dampa ni Dean (gr. 2 ito e, tas sha daw ang hustler sabi nya) at kung anu-ano pang larong maisip mo. Sa umaga nman, (dahil kaliligo pa lang at kakahinayang pagpawisan) mkikita mo ‘kong kasama ng teacher ko (Madam Lumibao, Pontanilla, Lopez) na naglilinis naglalampaso ng classroom. Pero ok rin lang maglinis, we all look forward pa naman sa uwian ng hapon. Sana wag dumating ng maaga yung sundo natin- na lagi naming prayer ng mga kalaro ko sa Okay Ka Fairy Ko
Ewan kung ba’t ako nagsawa sa kakapasok ng maaga nung asa Karapz na kami. Dahil grade four na ako? Matanda na ‘ko ng konti? Aayusin ko pa yung buhok ko? Hindi na kase tumutunog yung granfather clock (bansag ko lang ito) namin sa bahay? Baka naman dahil kahit isang most punctual na award ay hindi ako nabigyan kahit madalas lagi ako nauunang pumasok.

Anyways, napansin kong parang sobrang bagal ko n naman atang kumilos ngayon. Abutin ba naman ako ng 30 minutes sa paliligo! E dati, sa 30 minutes na pataan, pwede na akong umalis! Ng may kasama pang breakfast! E kanina maliligo lang, 30 minutes na.

May bago yta akong problema>
...

20050810

>enough of the tears

...
Don’t cry * don’t cry.
Don’t think of unsound insane memories.
Will only flow to your system’s insanity.
Only think of tomorrow and its hope (does it have?).
Please don’t cry.
You’ve cried enough.
So enough.
Strong.
Be one this time.
Please don’t let those tears flow from your eyes again.
You’ve cried enough.
There will be too much tears.
You’ve cried enough.
So enough.
Please.

...

but how can you hide away from the tears that have been you?

20050805

pick a pose

>bulate warrior


...
Malinaw ko pang naaalala ang mga panahong ang problema ko lang sa math e ang pinagkaiba ng ispeling ng forty sa four. Merong kesyo fourty, fourthy, ….at kung anu-ano pang arrangements.
Grade “four ata ako noon.. sa maliwanag na classroom ni sir Calura na nasa tabi ng Science Garden kung san may maliit na fishpond at may buntot ng sirena na ginagawang issuing totoo at buhay ito. Wala namang nag-abalang teacher para iconfirm kung totoo o talagang peke lang ang isyung buhay nga ang buntot ng sirena. Maliban sa sirena, mga ganung katulad na mga bagay bagay lamang ang problema ko.

Ngayon ay nasa kolehiyo na ako. At ngayon ko na rin napagtanto kung gaano kalaki ang pinagkaiba ng dati kong problema noong nasa elementarya pa lamang ako sa problemang kinakasagupa ko ngayon. Oo, kinakasagupa dahil pakiramdamdam ko, isa akong bulating warrior na nakikipaglaban sa isang malaking malaking sawang may mga alias na tulad ng Math14, chem. 16, at physics 21.1. Malalaking numerical figures na ang mga binibilang ko ngayon at gamit ang komplikadong mga pamamaraan. Mahirap lumusot. Mahirap talaga. Malaking laban ang kinakaharap mo sa bawat araw.

Kung dati ay pwede pang ikonsider na simple lang ang problema ko, ngayon ay hindi na! Dahil una sa lahat, hindi na simple kapag ang kalahati ng lahat ng mga subjects na tinetake mo ay delikado!!! At lalung lalong hinding hindi simple kapag konti na lang ay sisipain ka na sa unibersidad na pinapasukan mo na kung tawagin ay Unibersidad ng Pilipinas. Ibang pakiramdam, daig mo pa ang humithit ng marijuana on a non-stop-24-hr-pot-session sa bubong ng kapitbahay nyo. Hindi sa nakatikim na ako ng marijuana. Hindi rin sa umakyat na ‘ko sa bubong ng kapitbahay namin at naki pare heaven pare heaven nako sa kanila. Pero alam ko kung ano ang pakiramdam ng bangag. Napagdaanan ko na kasi yon. Sanay na. Tapos na ko do’n kumbaga, dahil ngayon, super bangag na ako. Malapit na akong MADALA SA Bataan, dun sa MENTAL doon dahil konti na lang, kaKAUsapin ko na yung sarili ko ng mag-isa.

Isang pakikibaka, oo. Kung iinglisen, “struggle�. Hindi lang pala yan ang problema ko. Problema ko din sa ngayon ang lovelife ko. Mahal ko siya pero.. ay teka, ibang kwento pala yan. Para sa ibang topic. Back to pakikibaka. Pakikibaka at ang consequences ng mga bagay-bagay ay walang kasiguraduhan. Puro uncertainties.

Isa pa, sa sa lugar na ‘to, hindi uubra ang stock knowledge lang, in the same way na hindi rin uubra ang sipag sipag lang.Third year nako, pero di parin lubusang gising sa katotohanang tapos na ang high school ko sa lab school na buhay. Oo, mahirap nga magsurvive sa lab school. Tagaktak ng pawis at patak ng dugo ang kelangan. Pero, iba ang UP, ibang lebel. Pinapamukha sakin ng pagtuntong ko dito na end of the line na ng mahirap kong high school life dahil welcome sa mas mahirap life na ang ngayon kong buhay… yan, oo, ganyan nga.

Ngayon, tapos na ang mga araw ng one mistake lang ang quarter exam ko kahit sa school bus lang ako mag aral in the morning before the exam. End of days na rin ng mga moments na pinapasa ko ang test kahit sa break lang before the test ako magreview. Di na rin uubra kahit one night before the test, dahil dapat yata, start pa lang, gamay na ng utak mo mga dinadakdak ng prof. Kaya lang, ang hirap ngayon, magfifinals na, di ko pa rin gets ang lahat! Di na rin siguro babalik mga papasa ako kahit di ako nag-aral na scenario sa buhay ko. Wala ng happy go lucky, yung malling pagkatapos ng first day of exams kahit kinabukasan non e mahabang exam pa ulit; wala ng sizzling d nyt b4 quarter exams, yung bababa ng school bus ng magdaan kami sa KB kasi naamoy namin ung masarap na hamburger na piniprito nila sa labas no’n; wala ng Kelly during calculus and trigo times, yung sa halagang limampiso, may arroz caldo o kaya palabok ka na na pwedeng pwede mo punuin ng unlimited patis, paminta, ska kalamansi, saka mo pa dagdagan ng tatlong pisong melon pantulak, pati homeroom breakfast from Dee’s basket of foods na naglalaman ng mais(sweet) at pancit Malabon na pag-aagawan ng mga katable mo pg ikaw ang bumili, na sisikat kang talaga dahil madami ang manghihingi ay memories na lang ngayon; haaay at wala na rin sila.

Ngayon, kahit san ako lumingon, matuwid ang mga tao. Naiintindihan nila ang mga hindi ko naiintindihan sa chem. 16 at physics 21.1. Alam nila ang di ko madiskartehan sa humanities. Namememorize nila ang bawat parts ng buto ng palaka kahit kasabay pa non e tatlo pang exam sa tatlong bigantin ding subjects. At eto pa, nakakatulog sila ng mahimbing sa gabi kahit malayo sa bahay. Hindi nila alintana ang takot ng mga multo sa kanilang nga guni-guni, realidad man o hindi.

...


20050803

>Just Recently

  • I seem to be like a robot switched on by the presence of coffee in my nerves and switched off by its absence.

  • There is no need to say you love me it would be better left unsaid.

  • I have learned to love my keyboard. Hehe.. Used to hate it much that I’d exchange it for anything.

  • I just thought, I have stopped dreaming about [bleep] lately. Good good sign.

  • Hihintayin ko nalang siya sa langit. (inspired by moonstar 88’s "sa langitâ€�)

  • I’m learning to pardon my mistakes, because I can now sleep all alone in my room. (plus heck, I’m turning bente already!)

  • Jesus loves me more than I will ever know! Smile!

20050801

>in*


Feeling damned. The exact opposite of vindicated…because I feel lost. Nobody’s talking to me right now. Everyone has their own “more important� thing to care about. It is called love affair by the way. Their love affair.

And I am left behind these walls. Because I am too tired to be in love. To even think of it. What more of letting the feeling flow to my not properly working system. I’ll get more damned that I may not stand. i have more important things to care about too. Only that it is not called love unlike theirs. It makes me lost unfortunately.. too tired of speaking clichés. And thinking about them too. I want…. Well, I actually do not know what I really want. Maybe just to make things “changed�.

Anyways, I also have to mention that many things have changed around me.. only recently in fact. Just this school year. And I must admit, I miss the old times. I could be bitter. And so what? Hell, does it matter? I just don’t want to be in that same situation where I’ve just been. Or, I don’t know. Maybe until now im still trapped. Im trying to get out. Because being there forever would continuously hurt me. I don’t want to be hurt anymore.
Damn, I am talking love shit again. I just told that my “more important� thing to care about/do is not love. Because love means shit right now! Because I am damned hurt!

And I am in love. Still. Shit.
 
Free Web Counter
Free Web Counter