sanity of insanity

"Insanity: a perfect rational adjustment to an insane world"

20060328

today is march 7 pa rin

Ayun, birthday gurl pa rin ako ngayon.

Nasa school ako knina.. I tried with all my might to be happy and all.. Ayaw kong maspoil ang supposed to be na masayang birthday ko ng mga chorvang issue. Issue sa haus in particular.

Kung pede lang sana wag muna ako umuwi doon for this day para hindi maapektuhan ang happy birthday ko ng chaos na magaganap.. hindi pa rin kami nag-uusap ng beloved room mate kong si Lei. Ewan ko, basta ako, I think I did my part. Si Ces ang role na tagapamagitan, pero most of the time, pareho lang sila ni Lei, pag galit ung isa, galit din itong isa.. ganun, kaya torture. So, feeling ko nainternalize ko na ang hurt feelings ko towards them kaya ready na ako to let it go. Sa bahay din ako umuwi after all. Ready na ako to ignore every thing kase feeling ko I’ve had enough pain to live with. Besides, straight hair ako on my bday and so happy and absorbed sa bdae gift ni papa sa kin.

Ayun, pumasok ako ng bahay..I did the usual bukas ng pinto. Hindi ko na hinahagis, kase OK na naman ako, narelease ko na kumbaga ang lahat ng Painful chorva ko.

Tas I went to my room.. and then I saw something sa ibabaw na laptop ko. Something na sobrang ikinatuwa ko naman daw. I know what it was the first time I saw it kaya lang di ko muna sha binuksan agad, kase baka isipin nilang nababaliw na ako pag nagshift out of the blue ang mood ko..at napakababaw ko dahil isang gift lang pala ako..hehe, totoo naman..

Ayun, smile smile na ko around the house. Mahirap itago ang happiness.. hehe.. tapos after a while, nung feeling ko bumaba na ang momentum of surprise ko, inattendan ko na ang unexpected gift ko and… yeeeeey!!!! I have a cake! I have a cake!!!! Hihi… sarap sarap.. choco strawberry something ng red ribbon, hindi ko na tinandaan exactly kse wla naman ako balak bumili tlaga nun for myself.. tas may kasama palang personalized card ung cake, na gawa yta sa tirang visuals ni Lei sa report nya..

pero anyhow, sobra kong naapreciate yung card with all the chorva and all.. ayun, i was suddenly in a middle of some realization. Lagi kame magkaaway ni room mate. Pero, nga lang this time it was the hardest. Ung akala mo hindi na kme magbabati…feeling ko rin ginawa ko na ang lahat. I was almost ready to give up. Pero narealize ko, hindi ko rin yun kayang gawin. Sobrang powerful na ng attachment eh.. and I’m not ready to give up a friendship dahil lang sa mga misunderstandings that seem to be irresolvable. and by the way, hindi ako palaaway na tao, in fact si Lei nga lang ang nakakaaway ko at madalas among my friends. Sha rin lang ung nkkpgstand ako amidst sobrang complexity na ang naffeel ko.

Tapos, hindi pa rin kme nag-uusap ni room mate. Ako, on my part, hindi pa rin kase ko ready nung time na yon…siguro nawala na yung want ko to make up with her since feling ko, andami dami ko ng gnawa… kumabaga, ready ako to let the case rest muna for that time.

Tapos, nag-usap usap ang housemates sa issues. Naisip ko nung una na huwag na lang magsalita. I’ll let them speak on their own and do whatever they want to do.. pero it was hard for me pala.. malupit sa pakiramdam na hindi makiepal sa kanila, afterall,, hindi ko talaga kayang tiisin sila.. so niresolve na naming ang mga bagay bagay… and fortunately, ok naman ang outcome.

After the resolution, hinagisan ako ni Lei ng something, sweater nga ba yun? tas aun, we started talking na.. haha. Back to normal. Sabi na e, isang gift lang ako talaga. Hihi..

So just to set he record straight, bati na kami ni Lei. Napag-usapan naming, na huwag muna kami mag-aaway, kase mahal ang cake at maeffort magpunta ng Dau.

**

0 Comments:

Post a Comment

<< Home

 
Free Web Counter
Free Web Counter