sanity of insanity

"Insanity: a perfect rational adjustment to an insane world"

20060113

watching HP4 by yourself

I watched Harry Potter 4 alone!!

Maaga akong umalis ng Mabalacat, Pampanga saka tinakasan ang ilang gawain ng malaman ko kay Ces na kakatapos lang manood ng Kingkong kasama ng date niyang si EM (power to e pople) na palabas na pala ito.

Sa SM daw, sa San Fernando. Nasa Robinson pa lang ay bumaba na agad ako sa sinakyang jeep na malaman kong pati pala doon ay palabas pa ito.

First full show ata yung napasukan ko. Kasi kumanta pa kami ng Bayang Magiliw e. a, siguro nga, first full show... Sa, loob nakita ko silang mga katulad ko. katulad ko ring nag-iisa sa gitna ng malaking screen habang lumilipad si Harry Potter gamit ang walis tambo niyang de madyik at inaagaw-agaw ang itlog ng pinakamatapang sa apat na dragon. Inisip-isip ko tuloy kung sadya lamang na mag-isa sila kung manood ng sine o tulad kong isang buwan ng naghahanap sila ng makakasama at makailang beses ding umasa na makanonood kahit papano ng may katabi naman sa upuang hindi stranger. wala lang, first time ko kasi manood ng may kasamang wala.

At gayhon nga. lumabas pang mas maganda yung low budgeted, corney, hindi ka man lang matense na shake rattle and roll sa filmfest kelan lang na pinanood namin ng matagal ko ng di nakitang high school friends sa metrotown sa Tarlac.

Anong eksena naman kaya next time? Ano pa bang gawain ang pwedeng gawin ng mag isa? Madami naman

###########
..para kay cza na kelan rin lang ay kumain sa McDo Baguio ng mag isa din at ngayo'y nasa gitna ng pagwawari kung anong pang pag mag-isang aktibidad naman ang susunod sa susunod niyang kabanata.

1 Comments:

  • At 12:40 AM, Blogger czacza said…

    haha.. salamat sa tribute.. at talagang sinabi mo pa talaga na kumain akong magisa ha.. natawa ako dun ah..hehe.. kaya nga tayo bestfriends eh.. we share the same wavelength.. mature na nga tayo.. kase we can do things on our own na.. think 20, what more can you do next?

     

Post a Comment

<< Home

 
Free Web Counter
Free Web Counter